peyups surbey
Sunday, April 30th, 20061.ANO’NG STUDENT NUMBER MO?
96-42383(yuck, napaghahalata heehee)
2. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
nakapasa.
3. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE
EXAM RESULT?
pindala sa iskul…nakapost ang pangalan ko sa Reg eh! "letters, pls. claim"
(oo, ganun sa amin..nalakagay sa bulletin board kung sino ang me
sulat na naka c/o sa iskul! cool, sikat ako mwehehe!)
nasa third floor ako sa labas ng classroom nung binuksan ko..sabay sigaw
"wheee!makakalayas na ako dito!" =)
4. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
BA Public Administration
(kasi ito lang yung course na wala sa UP Cebu o Miag ao,
para sa Diliman talaga ako makapasok..lakas ng pyting spirit noh?!)
5. SECOND CHOICE?
BA Human Ecology (sa UPLB kasi ang ganda pakinggan eh..kakaiba hehe)
6. ANO COURSE MO NA NATAPOS?
BA Public Administration
(gusto ko talaga mag masscom nung second sem ng first year,
at mag visual arts nung third year pero dehins pumayag si popsie eh..panis!)
7. NAG-SHIFT KA BA? ::
syempre hindi, la naman ako perang pambuhay
sa sarili ko kung naging matigas ang ulo ko di ba?
8. CHINITO/CHINITA KA BA?
hindi, anlaki nga ng mata ko eh…HUGE BLACK EYES(ala puppy look!)
9. NAKAPAG-DORM KA BA?
yup, molave…pero sa sobrang walang nakakilala sa akin dun,
ala nagnominate kahit dun sa ghost award..i swear ako talaga ang
awardee nun, pramiz!
10. NAKA UNO KA BA?
hindi..naka 5.0 mwehehe
11. NAGKA-3?
oo!pero di sa math 55 (math 11 x5) huh! (2.75 ako dun! hehehe)
sa comm3, p*t@h eh ang ganda ganda nga ng ispeech ko dun eh, tres lang @mp*Tah!
at wag ka! sa basketball! ang hirap mag lay-up eh!
12. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
bwahahaha…
feeling ko di sulit ang sem pag di namax out ang absences!
so, hindi hehe
13. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
wala. badtrip kase puro empleyado ng pamahalaan ang magulang ko, di tuloy namin maitago ang "wealth" namin! BWA HA HA HA HA HA HA HA HA HA akalain mo bang to qualify, dapat less than P50K/YEAR ang FAMILY income nyo!?!..syempre kumpara dun, parang anyaman namin di ba!?!
14. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO?
uuuhhh lahat na required para grumadweyt? ay, plus chinese 10&11 pa pala…
15. NANGARAP KA BA NA MAG- CUM LAUDE?
hindi…bumagsak ako ng math11 eh, nawalan na ko ng gana.
16. KELAN KA NAGTAPOS?
2000
17. FAVE PROF
sir saguil (kase anhirap na nga 143(feasibility studies) nakakatakot pa talaga siya pramiz!!!! eh buti nalang angaling ng mga groupmates ko, di ko na tuloy kelangan kumanta para pumasa…pero useful talaga yung concepts na para bagang me tech know-how ka talaga sa pub ad)
18. WORST TEACHER
yung math 1 namin na ewan! me topak yata! ampanget na nga niya,ambulok pa!
bobo na nga yung tao sa math nagkaprof pa ng tamad @mp*+ah!
19. FAVE SUBJECT
soc sci 1 (prof. rosel…first subject at 7AM first year..where i made my first "dream book" hehe)
20. WORST SUBJECT:
Math 55 (math 11 take 1:FLUNK! take 2: 4.0 take3:drop… take4: drop…
take5: 2.75 YES! YES! WHEEEEEEEEEEEEE!!!)
21. FAVE BUILDING:
NCPAG.home for four years in peyups…salamat sa STPA para sa tambayan..
22. PABORITONG KAINAN:
BeachHouse syempre!(2bbq,2 rice,itlog na maalat at kamatis..)
Rodic’s
ISSI na naging SOLAIR (lamb chops..)
Mang Larry’s isaw @harap sa kalayaan
Jollibee(2pc chickenjoy w/2rice after 2 rounds of jogging at the oval hehehe)
Mama Thai’s
23. NONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA
ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
aba’y akalain mong P1.25 pa lang ang ikot nun! at P1.50 lang sa real world..
24. LAGI KA BA SA LIBRARY?
yup, sa 2nd floor…nagkukutkut ng mapagbuntungan ng isip hehehe
25. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUN :
IS THIS SANITARY? =) pero walang choice nung first year na MPE…
26. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS? ::
si…yung chick sa molave nun… di nya naman alam na nag eexist ako eh..
27. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
fencing (Yup,soshal talaga akong nagsimula sa peyups,buti na lang nauntog hehe mayaman pa ako nun, bumili pa ako ng suit..HOY MARK SA STPA!IBALIK MO YUNG MAMAHALING UNIFORM NA HINIRAM MO LANG SA AKIN!)
stretching (akalain mo yun? mag-uunat ka ng isang sem! hehehe pero ansaya…ito yata ang pilates na ang tawag ngayon o yoga bah…pero yung mga ganun…)
basketball (under CASES! alam ko, alam ko suicide yun..pero gusto ko talaga ng basketball eh me court sa harap ng bahay namin t@ngin@h para maintindihan ko yung mga sinisigaw ng mga siga sa amin..at kala ko uubra yung shotting(oo, yan ang term sa bundok namin! )namin nung kababata kong si buddy at bongkiat..panis!3.0lang ako!)
tai-chi (oo, sa totoong buhay gusto ko talaga maging zen…burara lang ako sa present state ko at di lang halata sa gulo ng takbo ng isip ko hehe)
28. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK
in fairness,ayaw nila sa akin nun kasi nga inglesera ako nung first year
(kayo kaya ang bisaya na magtratranslate ng sinsasabi niyo sa utak ng tagalog-english-bisaya-english-tagalog kung di kayo sumuko at mag ingles na lang!)
pero naging prens naman kami nung naliwanagan na sila …
29. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER
SONG?
UP naming mahal…hanggang dun lang.
30. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM?
kung me sipa sana dun nag apply ako…yung sa kamay huh, di sa paa…
31. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
saan? sino? kelan? huh? di ako yun huh!
32. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
BWA HA HA HA HA HA oo! kasi tanduay on the rocks at gilbeys with lime ang iniinom ko sa probinsiya! pagdating dito, nung akala ko mayaman ako tequila at vodka..pero nung marami na ang iniinom at kelangan ng magtipid,hello red horse!
pero,for the record, di ako umiinom nung first year..active pa ako sa YFC nun hehe