gabi na sa bansang Pilipinas.
Friday, February 24th, 2006papunta ako nang opis nang marinig ko ang balita…me sasabihin ang pangulo ng bansa.di ko akalain, isa sa mga kinatatakutan kong mangyayari ay tuluyang magaganap.
PROCLAMATION 1017. STATE OF EMERGENCY.
ano ang epekto nito? konti lang naman…pwede lang hulihin ang mga taong sa tingin ng administrasyon ay me pakana na pabagsakin si ginang arroyo.ano ang batayan? kung sa tingin ng namamahala me ginagawa kang nakakasama sa pamahalaan..pwede na. huli ka. kahit walang "arrest warrant"? oo, kase nga nasa "state of emergency" tayo. magulo na daw masyado. pwede rin pansamantalang mapunta sa pamahalaan ang kontrol sa mga kumpanyang sa tingin nila ay nakakasira sa interes ng nakakarami. kung sa tingin nila masama ang dulot ng kumpanya sa bayan…pwede na.kontrolado na nila. walang pwedeng kumontra."emergency" nga eh.
"the exercise of extraordinary powers by the president for the perceived necessity to suppress violence by those who want to topple the administration is valid under a state of emergency".
kung di daw mapipigilan ang mga gumagawa ng "destabilization plans" laban sa pamumuno niya "economic meltdown" daw and dulot nito.ano!??? siguro bobo lang ako pero di ko malubos isip pano naging "threat to the existence of the nation" ang mga kilos protesta. yun daw kasi ang dapat na batayan para makapagdeklara ng "state of emergency". aba, akalain mong ang pagpapahayag ng karapatan ng mga mamamayan ay naging sanhi para bumagsak ang ekonomiya at magdulot ng "state of emergency"? matapos niyang magyabang na di siya mapapabagsak eh natatakot siya sa mga di naman kumpirmadong coup de etat kuno? kaya nga coup kasi "swift attack" sa gobyerno.. di ito pinaplano sa kilos protesta sa bangketa..
hay. kawawa naman ang bansang Pilipinas.
matatakot ka ba kung pwede kang arestuhin sa mga gawain na pagpapahayag lamang ng iyong karapatan? siguro kung ako si prof. david..hindi.
pero isang duwag akong kelangan manatili sa opis habang pinapanood ang mga makabayang nagpapahayag ng kanilang pagkainis sa pamahalaang arroyo.wala akong lakas ng loob na makibaka sa harap ng mga kilos protesta. andito lang ako sa opis at gumagawa ng resolusyon.
para sa ano?
me senado pa ba pag gising ko sa umaga? (sana..me sweldo akong inaabangan eh..)
parang walang saysay ang ginagawa ko. kahit anong ngitngit kung wala namang kasamang aksyon ay wala ring mangyayari. pero ito lang ang alam kong gawin.ang magtrabaho para sa bayan. sa isang bulok na pamahalaan. sinisikap ko na sana sa konting paraan me magagawa ako para mabago to.
pero kung ganito magwalang-bahala ng mga karapatang-pantao and gobyerno…para saan ang pagsisikap nating mga Pilipino?
magluksa ka bayan.